Saturday, February 27, 2010
walang masulat....
matutulog akong wala na namang nasusulat... lintik na ideya! pinag mumukha akong tanga, minsan anjan, kala ko kung sino akong magaling at may matitipa,... kadalasan namang wala... kung di man tumatakbo palabas, kahit gaano kabilis ko'y pilit paring nagtatago sa mga kurbada't bulubundukin ng utak... kaya habulin ko't mapagod na... di ko pa rin masungkit sungkit ang lintik na IDEYA!
Saturday, February 20, 2010
KUMOT
Matagal na din pala akong 'di nakakapagsulat ng may kwenta. Matagal na din yata kasi nung huli akong tumigil sandali, maminta, at pagmasdan ang pagbagsak ng mga karayom, pag-apaw nila sa lupa, pagbalik sa langit kung sa'n sila nagmula at pagpapabalik-balik ng ganitong nakakapagod, nakaka-tae at nakakapagpabalik ala-alang pagbuhos ng ulan. Minsan nakakatae, nakaka-utot, nakakapamaluktot, nakakatigas ng kulangot, pero madalas nakakalungkot sa bawat sandaling nahahablot ng kamay ang kumot para ibalot sa nanlalamig kong katawan, bumabalik sa balintataw ang responibilidad na pinaubaya mo sa makapal, hugis parahiba, di nagsasalita at walang buhay na --KUMOT.
Subscribe to:
Posts (Atom)
