Saturday, February 20, 2010
KUMOT
Matagal na din pala akong 'di nakakapagsulat ng may kwenta. Matagal na din yata kasi nung huli akong tumigil sandali, maminta, at pagmasdan ang pagbagsak ng mga karayom, pag-apaw nila sa lupa, pagbalik sa langit kung sa'n sila nagmula at pagpapabalik-balik ng ganitong nakakapagod, nakaka-tae at nakakapagpabalik ala-alang pagbuhos ng ulan. Minsan nakakatae, nakaka-utot, nakakapamaluktot, nakakatigas ng kulangot, pero madalas nakakalungkot sa bawat sandaling nahahablot ng kamay ang kumot para ibalot sa nanlalamig kong katawan, bumabalik sa balintataw ang responibilidad na pinaubaya mo sa makapal, hugis parahiba, di nagsasalita at walang buhay na --KUMOT.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment